UMABOT na sa 12 ang iniulat na namatay habang mahigit sa 200 ang sugatan sa magnitude 6.1 na lindol sa Aceh province sa Indonesia kahapon ng hapon.
Kabilang sa mga namatay ang anim na bata na dumadalo sa Koran reading session nang gumuho ang mosque na kinaroroonan ng mga ito.
Bukod dito, may 14 pang bata na na-trap sa nasabing mosque na pinaghahanap ng mga rescuers.
Sinabi ni national disaster agency spokesman Sutopo Purwo Nugroho na 300 kabahayan ang nawasak, nasira ang mga daan at naging sanhi ng landslides ang lindol.
Maalala na noong 2004, niyanig ng magnitude 9.3 na lindol ang Aceh na naging sanhi ng Asian-wide tsunami na ikinamatay ng 230,000 katao.
The post 12 patay, 200 sugatan sa 6.1 na lindol sa Indonesia appeared first on Remate.