ISANG 23-anyos na teenager ang nasakote ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang entrapment operation sa Parañaque City noong Martes, Hulyo 2, 2013.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nahuling suspek na si Oliver Sarreal, ng Block 14, Lot 13, Angay Street, Bacoor, Cavite.
Sa ulat bandang hapon nang isagawa ng operatiba ng PDEA Special Enforcement Service (PDEA-SES) ang operasyon sa kahabaan ng Dr. Arcadio Santos Avenue, Barangay San Isidro, Parañaque City .
Nakumpiska sa suspek ang may 10 nakabuhol na plastic sachet na naglalaman ng shabu at tumitimbang ng may 1kilo shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P5,200,000 sa market value nito.
Nakumpiska rin sa suspek ang halagang P2,000 buy-bust money at isang unit ng 2013 Toyota Fortuner na may connduction sticker number TU- 8700.
Hawak ngayon ng PDEA national headquarters sa Q.C. si Sarreal at patuloy na iniimbestigahan habang inihahanda ang paghahain ng kasong paglabag sa section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
The post Bagets na tulak, timbog sa P5-M shabu appeared first on Remate.