Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

8 rebelde lagas sa Sorsogon clash

$
0
0

WALONG miyembro ng New People’s Army rebels kabilang ang dalawang amasona ang napatay sa pakikipagsagupaan sa government security forces sa Sorsogon province kaninang umaga, ayon sa ulat ng military spokesperson.

Dakong 6 a.m., nakaengkuwentro ng mga elemento ng Army’s 31st Infantry Battalion ang hindi mabilang na mga rebelde sa Barangay Upper Calmayon sa Juban town, pahayag ni military information chief Lt. Col. Ramon Zagala.

Ang 35-minutong bakbakan ay nagresulta rin sa pagkakarekober sa limang high-powered firearms, kabilang ang 2 M203 grenade launchers at isang improvised explosive device.

Wala namang naiulat na naging kaswalti sa panig ng  gobyerno, pahayag pa ni Zagala.

Sinabi ni Col. Joselito Kakilala, commander ng 903rd Brigade, Zagala na “the local villagers were tired of extortion, threats and abuses” of the rebels operating in the area.

Naganap ang Sorsogon clash habang hawak ng mga rebelde ang limang sundalo sa Davao City na sina Cpl. Emmanuel Quezon, Pfcs. Ronald Gura, Bernie Padilla and Donato Estandia, at Pvt. Marteniano Pasiagas Jr.

The post 8 rebelde lagas sa Sorsogon clash appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>