ANIM na elementary pupils ang namatay nang araruhin ng rumaragasang service vehicle ng isang local electric cooperative sa Biliran nitong Miyerkules ng hapon (Hulyo 3).
Dead on the spot sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima na hindi nakuha ang pangalan. Hindi naman nabanggit sa ulat ng pulisya kung ang mga biktima ay magkakaklase pero sila ay pawang magaaral sa isang elementary school sa Biliran.
Bukod sa patong-patong kasong kinahaharap ng service vehicle driver ng Biliran Electric Cooperative na hindi nakuha ang pangalan, inaalam pa ng pulisya kung may katotohanan na nasa impluwensya ito ng espiritu ng alak.
Naganap ang insidente dakong 5 nitong Miyerkules ng hapon ilang maetro lamang ang layo sa naturang eskuwelahan.
Bago ito, kalalabas pa lamang sa kanilang eskuwelahan ang mga biktima at nakatayong naghihintay ng masasakyan.
Maya-maya lamang biglang sumulpot sa kanilang harapan ang nasabing service vehicle at sinuyod ang mga biktima.
The post 6 elementary pupils inararo ng service vehicle, lagas appeared first on Remate.