ARESTADO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong cyber technologist dahil sa hindi awtorisadong paggamit ng pasilidad ng isang lehitimong telephone company sa Makati City.
Kinilala ni NBI Director Nonnatus Caesar R. Rojas ang mga suspek na sina Dandin Varona, Information Technology (IT) Specialist ng East West Placement Center, Inc., at residente ng No. 11 Leonardo St., Tramo Lane, Pasay City; Adrian Jay Garcia , IT Technical Support ng East West Placement Center Inc., at taga 7715 Coronado St., Guadalupe Viejo, Makati City; at Jefferson Bolivar, Computer Technician, ng East West Placement Center Inc., at nakatira sa 5 Calleja St., Signal Village, Taguig City.
Kinasuhan ang tatlo ng paglabag sa Art. 308 of the Revised Penal Code (Theft) sa Makati City Prosecutor’s Office.
Hindi naman naaresto si Rizaline O. Dormiendo, Presidente at CEO ng East West Placement Center Inc.
Ang pagsalakay ng NBI ay nag-ugat sa reklamo ng Smart Communications ,Inc. noong Hunyo 17 dahil sa umano’y illegal international simple resale (ISR), kilala bilang “Toll Bypass” na ginagawa ng mga suspek.
Nalaman na ang ISR ay isang panloloko laban sa network operators sa pamamagitan ng paggamit ng international calls sa pamamagitan ng paggamit ng cables, antenna, air wave or frequency, broadband/internet protocol (IP) services, telephone switching equipment at SIM cards ng walang paalam sa network.
Sa pamamagitan ng naturang illegal na aktibidad nakakatakas ang ISR operator sa pagbabayad ng international gateway facility (IGF) fees at taxes dahil dumidirekta sa hindi awtorisadong device pumapasok ang tawag kaya ang operators ang nakikinabang sa singil na kinakagat naman ng publiko dahil ibinababa nila ang bayad.
Nagsagawa naman ng imbestigasyon ang NBI at nalaman na nalugi na ng P932,036.71 ang Smart Comminication dahil sa illegal na aktibidad.
Bukod dito,nagsagawa rin ng mga serye ng call test ang NBI at nang makumpirma ang illegal na aktibidad ng mga suspek ay nagsagawa na ng pagsalakay sa tangapan ng East West Placement Center Inc. sa may 1059 Metropolitan Avenue, Rizz Building, San Antonio Village, Makati City matapos na mag-isyu ang Malabon RTC ng search warrant.
The post 3 IT specialists, arestado appeared first on Remate.