PATAY ang isang binatilyo matapos pumutok ang pabirong itinutok na pengun ng kaibigan habang nakatambay sa Caloocan City Huwebes ng gabi, Hulyo 4.
Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa ulo si John Henry Pongaw, 15 ng Phase 1, Bagong Silang, nasabing lungsod.
Pinaghahanap naman ng mga pulis si John Cindy Angeles, 17 ng Phase 2, Bagong Silang ng lungsod.
Sa ulat, alas-7:20 ng gabi, nakatambay ang biktima at suspek kasama ang iba pang barkada sa Phase 3, Bagong Silang nang maglabas ng pengun si Angeles at pabirong itinutok kay Pongaw.
Isa sa mga kaibigan ang humawak sa kamay ng suspek na aksidenteng pumutok ang pengun at nahagip sa ulo ang biktima.
Matapos ang insidente ay tumakas na ang suspek.
The post Binatilyo patay sa kaibigan sa Caloocan City appeared first on Remate.