TODAS ang isang lalaki nang patraydor na barilin ng mister ng kanyang karelasyon sa Brgy. Longos Malabon City.
Dead on spot sa pinangyarihan ng krimen si Romeo Cabading, 33, ng Blk 22 Hernandes St., Catmon sanhi ng isang tama ng di pa batid na kalibre ng baril sa likuran ng ulo nito.
Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lamang sa alyas na Balut ng nasabi ring lugar.
Ayon sa ulat, alas 3:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa Blk 9C Phase 2. Area 2, Labahita St. Longos, Malabon City.
Nabatid na nakatayo ang biktima ng palihim na lapitan mula sa likuran ng suspek at agad na binaril sa ulo.
Nauna sa krimen, nabatid na nakarating sa kaalaman ng suspek habang nasa kulungan ang relasyon ng kanyang misis at ng biktima.
Kaya nang makalaya si Balut ay agad niyang isinagawa ang krimen.
The post Kelot inutas ng mister ng kalaguyo appeared first on Remate.