INARESTO ang isang pasahero ng Qantas Airways makaraang magwala at magreklamo sa depektibong TV monitor at tangkain pang buksan ang cockpit ng eroplano.
Kinilala ng PNP-Aviation Security Group ang pasahero na si Mamudu Kamara, isang Australian national kung saan pinosasan ito sa buong flight ng Qantas flight QF-019 bago pa nakagawa ng ikaka-panic ng ibang pasahero.
Nabatid kay Aviation Police C/Insp. Christopher D. Melchor na hiniling nito na ayusin ang kanyang TV monitor na nasa harapang upuan nito subalit nang mabigong maayos ng flight crew ay nagsimulang magwala si Kamara saka biglang tumayo sa kanyang upuan at naglakad patungo sa cockpit saka sinubukang buksan ito.
Agad namang pinabalik sa kanyang bansa ang nasabing pasahero.
The post Bastos na pasahero ng eroplano dinampot appeared first on Remate.