PINAALALAHANAN ng Bureau of Immigration (BI) ang lahat ng may-ari at registrars ng iba’t ibang eskuwelahan sa bansa na kailangang ang foreign students ng mga ito ay may kaukulang study permit o visa mula sa kawanihan.
Ipinalabas ng pamunuan ng BI kanina ang babala dahil hindi anila mag-aatubiling isampa ng kawanihan ang kaukulang kaparusahan sa mga paaralang mapapatunayang tumanggap ng mga foreigner na walang special study permit (SSP) o student visa.
Ang SSP ay iniisyu sa mga dayuhan na 18 ang edad pababa na nasa elementary, secondary at tertiary levels o sa mga kumukuha ng special courses na mababa sa isang taon sa bansa.
The post Aliens students binalaan ng Immigration appeared first on Remate.