Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

1 patay,4 sugatan sa pamamaril

$
0
0

PATAY ang isang 35-anyos na lalaki kagabi habang sugatan ang apat pang katao kabilang ang isang menor de edad na nadamay nang pagbabarilin ng di nakilalang suspek ang biktima habang nakikipagkuwentuhan sa Tondo, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Mary Jhonston Hospital ang biktimang si Ernesto Acul, may live-in partner, walang trabaho, ng 4-1 Int., 35 Perla St., Tondo sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Ginagamot naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Reggie Alcover, 17, ng 401 Int., 35 Perla St., Tondo habang sa Gat Andres Bonifacio Hospital naman ginagamot si Primo Zabala, 53, may-asawa, isang street sweeper ng Perla St., Tondo Manila sanhi ng tama ng stray bullet sa katawan.

Nadaplisan din sa mukha sina Zenaida Bitores, 49, balo at Benny Bitones, 27, may live-in partner at hindi na ito dinala pa sa ospital.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa suspek na tumakas matapos ang insidente dala ang ginamit na baril.

Sa report ni SPO1 Ramir Dimagiba ng Manila Police District (MPD) homicide section, dakong 7:30 ng gabi nang naganap ang insidente sa kanto ng Perla at Quirino Sts., Tondo, Maynila.

Nauna dito, nakaupo ang biktima sa nasabing lugar habang kausap ang ilang kaibigan nang tumigil ang suspek na sakay ng isang kulay itim na motorsiklo at nag-usap ang dalawa na tila magkakilala.

Ilang sandali lang nang nagbunot ng baril ang suspek at walang sabi-sabing pinaputukan ang biktima.

Nakatalikod naman si Alcover habang nakaupo malapit sa kinatatayuan ng biktima si Zabala kaya tinamaan ng stray bullet habang nahagip din ng bala sina Zenaida at Bitones  na malapit lang sa lugar.

Nabatid na nakuhanan ng Closed Circuit Television (CCTV) sa lugar ang insidente kung saan lumalabas na nakausot ng kulay brown na bull cap at puting t-shirt ang suspek habang sa di kalayuan ay nakita rin ang isa pang lalaki na nakasakay ng isa pang motorsiklo na hinihinalang kasama ng suspek.

Ang nasabing CCTV footages ay gagamitin para sa pagkakakilanlan sa suspek.

Inaalam pa ang motibo sa pamamaril.

The post 1 patay,4 sugatan sa pamamaril appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129