NAPISAK ang katawan ng isang madre habang sugatan naman ang tatlong iba pang pasahero nang tumagilid sa kalsada ang kanilang sinasakyang pampasaherong bus sa Occidental Mindoro kaninang umaga (Hulyo 7).
Dead on the spot sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at katawan ang hindi nakikilalang Madre na tinatayang 40 hanggang 45.
Isinugod naman sa pinakamalapit na ospital sanhi ng bukol at galos sa ibat ibang bahagi ng katawan ang tatlong mga pasahero na hindi nakuha ang mga pangalan.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang hindi nakuhang pangalan ng drayber ng Dimple Star Transport bus. Sasampahan ito ng kasong homicide resulting to reckless imprudence at tatlong count ng slight physical injuries.
Naganap ang insidente dakong 6:15 ng umaga sa national highway ng Occidental Mindoro.
Ayon sa suspect, nawalan siya ng kontrol sa pagmamaneho bukod pa sa makulimlim ang panahon at basa ang kalsada kaya tumagulid ang kanyang bus.
Sa takot at bago tumagilid nang tuluyan ang naturang bus ay tumalon sa bintana ang biktima at bumagsak sa kalsada pero sa kamalasan ay nadagan ito ng sasakyan.
The post Madre napisak ng bus na tumagilid sa kalsada appeared first on Remate.