DALAWA katao ang sugatan makaraang magkarambola ang tatlong sasakyan sa Lopez, Quezon.
Ayon sa inisyal na ulat, binabaybay ng wing van na minamaneho ni Abel Zaldua ang kahabaan ng daan sa bahagi ng Brgy. Calantipayan mula Calauag patungong Gumaca nang huminto ang nasa unahan nitong pampasaherong jeep upang magpasakay ng dalawang pasahero.
Biglang nagpreno ang wing van dahilan upang mabundol ng nakasunod ditong motorsiklo ang hulihang bahagi ng sasakyan.
Nasugatan ang 17-anyos na driver ng motorsiklo na hindi na pinangalanan maging ang kanyang backride na 17-anyos din.
The post 3 sasakyan nagkarambola: 2 sugatan appeared first on Remate.