Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Traffic czar ipinatatalaga sa Metro Manila

$
0
0

PINAYUHAN ng isang grupo ng truckers ang pamahalaan na magtalaga ng traffic czar sa  Metro Manila upang masolusyunan ang trapiko.

Sa ginanap na pulong balitaan  sa Tinapayan, ani LTO  at dating pinuno ng LTFRB Alberto Suansing, naniniwala siyang kailangan ang isang personalidad na tututok  lamang sa implementasyon ng mga batas sa trapiko sa Metro Manila.

Kailangan aniya na direktang nasa pangangasiwa ng Pangulong Aquino ang traffic czar  upang mas madali ang koordinasyon.

Ang pahayag ni Suansing   ay kasunod  na rin ng napaulat na umaabot na sa P2.4 bilyon ang nawawalang kita ng pamahalaan dahil sa buhul-buhol na trapiko sa Metro Manila.

Kailangan lamang  aniya na pagkalooban  ng mandato  o full authority  ang itatalagang traffic czar upang maiwasan ang problema sa burokrasya.

The post Traffic czar ipinatatalaga sa Metro Manila appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129