KAPWA sugatan ang isang magkapatid nang masunog ang kanilang dalawang palapag na bahay sa Contribution St., SSS Village, North Fairview, Quezon City, kaninang alas-seis ng umaga (Hulyo 8).
Nagtamo ng sugat sa likod ang biktimang si Christian Santos, 20-anyos, sanhi ng tinamong sugat sa kanang braso dahil sa pagbaba sa fire exit matapos kanyang basagin ang salamin ng pintuan ng kanilang sasakyan para mailabas ito sa garahe.
Minor burns lang naman ang tinamo ng kanyang kuyang si Leomer.
Sa pagsisiyasat ng Bureau of Fire, nagluluto ang kanyang nanay nang sumingaw ang LPG tank at biglang umapoy ang kanilang kusina. Masuwerte namang hindi nasugatan ang nanay ni Christian.
Sinabi ni Senior Fire Officer 2 Fortunato Alde na umabot sa ikatlong alarma ang sunog na naapula alas-6:45 ng umaga.
Umaabot naman sa P1-milyon ang halaga ng mga ari-ariang naabo sa sunog.
The post Magkapatid sugatan, P1-M naabo sa QC fire appeared first on Remate.