NALASON ang anim na bata makaraang kumain ng spaghetti na ibinigay ng kanilang kapitbahay sa Sitio Holo, Barangay Inayawan, lungsod ng Cebu.
Kinilala ang mga biktima na sina Krystal Kate Alcobendas, Kris Justine Alcobendas, Shandin Mar Alcobendas, Angela Cabellon, Adrian Jay Cabellon at si Jeffrey Batoto.
Ayon sa ulat sa radio, binigay lamang ng kapitbahay ang naturang pagkain na tira umano sa isang catering services.
Ayon sa salaysay ng lola ng mga biktima na si Fe Cabellon, nang matapos kumain ng spaghetti ang mga biktima ay nakaramdam sila ng pananakit ng tiyan at pagsusuka.
Agad na isinugod ang mga ito sa Cebu City Medical Center (CCMC) upang mabigyan ng lunas.
The post 6 paslit nalason sa spaghetti appeared first on Remate.