Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Babae pinagbabaril, todas

$
0
0

PATAY ang isang 39 anyos na babae makaraang pagbabarilin ng isang salarin habang nakatayo sa tapat ng isang establishment sa Quezon City nitong Sabado ng gabi Hulyo  6,2013.

Kinilala ang biktima na si Eva Bandoles,may live-in partner, ng 125 Tulip’s Street, Brgy. West Fairview, QC na nasawi matapos magtamo ng tama ng bala ng baril sa katawan.

Nadakip naman ang suspek na si Owen Nosido,38, may-asawa, mechanic, ng Block Kaingin St.,Brgy. Pansol, QC.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) naganap ang insidente sa harap ng Monty Glass Aluminum sa  no. 703 Commonwealth Avenue, Brgy. Commonwealth,QC dakong 9:00 ng gabi Sabado.

Sinabi ng witness na si Federico Asenas habang nakatayo sila ng biktima sa naturang lugar agad sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Nasawi ang biktima dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa kanyang katawan.

Pasakay na sana ang suspek sa isang kulay dilaw na Honda XRM na motorsiklo kasama ang nag-aantay nitong kasamahan ng madakip ito.

The post Babae pinagbabaril, todas appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>