SWAK sa rehas na bakal ang senglot na mister nang walang-awang saktan ang asawa at mga anak kagabi July 8, sa Brgy. Tangos, Navotas City.
Kinilala ang suspek na si Jerry Maganlindan y Noblado, may asawa, ng 74M Ablola St., Tangos ng lungsod.
Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni P03 Edwin D. Guzman ng Station Investigation Devision (SID) ng Navotas pulis, dakong alas 10:00 ng gabi nang magwala ang suspek sa loob ng kanilang tahanan.
Nauna rito lasing na dumating ang suspek agad pinagmumura nito kanyang asawang si Julieta Magalindan y Taruc, 39 at pinagbintangan nangangaliwa na mahigpit naming pinabulaan ng biktima.
Dahil sa kalasinagan ng suspek, agad na pinagbuhatan ng kamay si misis at pinagsusuntok sa mukha at pinagtatadyakan sa katawan.
Nagising ang dalagitang anak nitong si Jerish, 16 at pinilit na payapain ang kanyang ama subalit tinadyakan din sa sikmura habang ang bunsong anak nitong si Jordan ay sinuntok din sa mukha.
Ilang kapitbahay ang nagmalasakit at tumawag sa barangay na agad namang nagresponde ang mga tanod sina Joselito De Jesus at Arabello Aldanese at inaresto ang lasing na suspek at dinala sa presinto.
Si Jerry ay pormal na sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9262 Violation Against Women & Children at RA 7610 o child abuse sa piskalya ng lungsod.
The post Umbagerong mister, ipinakulong ni misis appeared first on Remate.