PALAISIPAN ngayon sa pulisya ang pagkamatay ng isang buntis na natagpuang nakabigti sa loob ng kanilang bahay sa Bukidnon kaninang 7 ng umaga (Hulyo 9).
Mismong mosquito net ang ipinampalupot ng biktimang si Amelora Cabrera, 35-anyos at residente ng Kadinglan, Bukidnon sa kanyang leeg bago isinabit ito sa biga ng kanilang kisame.
Sinabi sa pamilya ni Cabrera na nagtataka sila kung bakit naisipan na magbigti ng kanilang mahal sa buhay gayung wala naman itong problema na nabanggit sa kanila noong nabubuhay pa ito.
Kaya hiling nila sa pulisya na imbestigahan maiigi dahil, naniniwala silang may foul play sa pagkamatay ni Cabrera lalo pa’t biglang nawalang parang bula ang live-in partner ng biktima na hindi pinangalan alinsunod sa ikakasang imbestigasyon.
Gayunman, sinabi ng mga operatiba ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Bukidnon PNP na wala naman silang nakitang indikasyon na mayroong foul play sa pagkamatay ng biktima.
Subalit hindi pa, anila, isinara ang kanilang imbestigasyon sa nasabing kaso at kung may makikitang ebidensya para madiin ang ka live partner ng biktima ay kanilla itong iimbestigahan sa lalong madaling panahon.
Kasalukuyang nakaburol ang labi ng biktima na limang buwang buntis sa isang pribadong punerarya sa naturang syudad.
The post Buntis nagbigti o binigti; dyowa nawalang parang bula appeared first on Remate.