Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

P178-M panalo sa lotto kinubra na

$
0
0

NAIUWI na kahapon ng 65-anyos na senior citizen ang mahigit P178 milyon premyo sa 6/55 Grand Lotto matapos tamaan ang tamang kombinasyon na binola noong Hulyo 1 sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Solong napanalunan ng lalaking taga-Pangasinan ang kabuuang P178,849,233.20 na jackpot prize kung saan ay sinadya nitong palipasin ang mahigit isang linggo bago kubrahin dahil sa pangamba sa malaking halagang kanyang napanalunan at upang hindi mahalata sa kanilang lugar.

Ayon kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II, dalawang taon mula ng mapanaginipan ng maswerteng milyonaryo ang tamang kombinasyon na 09-21-43-35-54-12 ay lagi na siyang nagdarasal sa tuwing tatayaan ang inaalagaang numero.

Plano ng nagwagi na bumili ng sariling bahay at lupa, magbigay ng donasyon sa simbahan at bahaginan ang kanyang tatlong anak na pawang mga professionals, pati na ang walong kapatid.

The post P178-M panalo sa lotto kinubra na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>