NAPARIWARA ang buhay ng isang seksing therapist nang gahasain ng kanyang pinagkatiwalaang ka-textmate sa Boracay kaninang madaling-araw (Hulyo 9).
Sa ikinasang follow-up operation, nakuwelyuhan agad ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang nanghalay sa biktimang itinago sa pangalang Camille, 18 na si Raffy Malagad, 23, ng Barangay Tagas, Tangalan, Aklan, attendant sa isang resort sa Station 1 .
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 12:45 ng madaling-araw sa inuupahang boarding house ng biktima na tubong Romblon sa Barangay Balabag sa Boracay.
Ayon sa biktima na therapist sa isang SPA sa Boracay, bago ang panghahalay ay may limang buwan na silang mag-katextmate ng suspek.
Kaya naman aniya ay labas-pasok na ang suspek sa kanyang boarding.
Pero kaninang madaling-araw, pinasok siya ng suspek sa kanyang kuwarto at dahil mas malakas sa kanya ay naikasa ang panggagahasa.
Kasong rape ang kinakaharap ngayon ng suspek at kasalukuyan nang nakakulong sa Aklan Rehabilitation Center.
The post Therapist ginahasa ng ka-textmate sa Boracay appeared first on Remate.