NIYANIG ng 2.9 magnitude na lindol ang Negros Oriental at Apayao kaninang madaling-araw Hulyo 9, 2013 (Martes).
Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naunang naramdaman ang lindol sa Kanluran bahagi ng Pamplona, Negros Oriental dakong 2:29 ng madaling-araw.
Sinabi ng Phivolcs na ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ay 001 kilometro.
Samantala naramdaman ang 2.0 magnitude na lindol sa kanluran bahagi ng Apayao dakong 1:17 ng madaling-araw.
Ayon sa Phivolcs ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ay 025 kilometro.
Wala naman iniulat na napinsala o inaasahang aftershocks sa magkasunod na lindol.
The post Negros Oriental at Apayao niyanig ng lindol appeared first on Remate.