TINATAYANG 75 Pinoy sa Japan ang ipina-deport at dumating na ng Pilipinas noon pang Sabado.
Sa isinagawang press conference kanina, inihayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Raul Hernandez na pina-deport ang nasabing mga Pinoy dahil sa paglabag ng Immigration laws ng Japan.
Kabilang sa mga napa-deport ang 54 na lalaki, 13 na babae at walong bata.
Nabatid na ang mga naturang Pinoy ay inihatid ng mga opisyal ng Japanese Immigration at Philippine Embassy at sinalubong naman ng mga kinatawan ng DFA, Bureau of Immigration (BI), Overseas Workers Welfare Administrarion (OWWA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nakulong sa Immigration Center sa Japan ang mga OFW bago napauwi.
The post 75 Pinoy mula Japan napa-deport appeared first on Remate.