TINATAYANG 40 katao ang nalibing nang buhay sa naganap na landslide sa Sichuan province sa China bunsod ng ilang araw na pag-ulan.
Kinumpirma ng state news agency na Xinhua na patuloy ang ginagawang rescue operation sa mga biktima.
Nawasak din sa baha ang 50 taon nang tulay sa karatig bayan sanhi ng pagkatangay sa baha ng anim na sasakyan kung saan 12 ang missing.
Higit 500,000 katao na ang apektado ng pagbaha sa southwestern China at 300 mga kabahayan ang nasira simula pa noong Linggo.
The post Landslide sa China: 40 katao patay appeared first on Remate.