Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Akusado sa pagpatay kay Doc Ortega, pinayagang makapagpiyansa

$
0
0

DISMAYADO ang pamilya Ortega sa desisyon ng hukuman sa Puerto Princsa City na payagang makapagpyansa ang isa sa mga akusado sa pagpatay sa broadkaster at environmentalist na si Dr. Gerry Ortega.

Nauna nang pinayagan ng Puerto Princcesa RTC Branch 52 na makapagpyansa si Atty. Romeo Seratubias dahil sa kahinaan umano ng ebidensya.

Si Seratubias ang umano’y may-ari ng baril na ginamit sa pagpatay kay Doc Gerry.

Sa isang mensahe sa text, sinabi ni Mica Ortega, anak ng biktima, na nakakapanghina ang naging desisyon ng korte.

Magkagayunman, tinukoy nito na naniniwala ang kanilang pamilya na patas pa rin si Judge Angelo Arizada sa paghawak ng kanilang kaso.

Bagamat pinayagan kasi ng hukom na magpyansa si Seratubias ay hindi naman nito pinayagang makalaya pansamantala ang isa pang akusado na si Arturo “Nonoy” Regalado, umano’y tauhan ni dating Palawan Governor Joel Reyes na pinagbentahan ng baril ni Seratubias.

Sinabi pa ni Mica na marahil ang mas kailangang unahin ay ang pagtugis kay Reyes at sa kapatid nitong si Dating Coron Mayor Mario Reyes.

The post Akusado sa pagpatay kay Doc Ortega, pinayagang makapagpiyansa appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>