Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bagyong Huaning pumasok na ng bansa

$
0
0

PUMASOK na ng bansa ang  bagyong Huaning kaninang tanghali, Hulyo 10, 2013 (Miyerkules).

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical  Services Administration (PAGASA) namataan ang mata ng bagyong Huaning alas-10:00 ng umaga kanina sa layong 1,240 kilometer ng Silangan ng  Itbayat, Batanes.

Sinabi ng Pagasa na si Huaning ay may lakas  ng hangin  na 175 kilometro bawat oras malapit  sa gitna at bugso ng  nito na aabot  sa  210 kilometro bawat  oras.

Kumikilos si Huaning sa direksyon na Kanluran Hilagangkanluran  sa bilis na  20 kilometro bawat oras.

Nabatid pa sa Pagasa na inaasahang si Huaning ay nasa 820 kilometro ng Silangan ng Itbaya, Batanes, bukas ng umaga at 450 kilometro  ng Hilagasilangan ng Itbaya, Batanes sa Biyernes ng umaga.

Habang  sa  Sabado  ng  umaga  inaasahang  si Huaning  ay  nasa 450 kilometro ng  Hilaga ng  Itbaya o sa  bisinidad  ng  Hilaga ng Taiwan at inaasahang papalabas na ito  ng Philippine area of responsability.

The post Bagyong Huaning pumasok na ng bansa appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>