ISANG binata ang natagpuang nakabigti sa isang puno sa bayan ng Calasiao sa lalawigan ng Pangasinan.
Nakita ang bangkay ng 18-anyos na hindi pa pinangalanan ng isang magpapastol na residente a naturang lugar.
Nabatid sa mga kaanak ng binata, bago ang insidente ay umalis ang binata sa kanilang bahay ngunit matapos noon ay hindi na umuwi pa.
Sinasabi naman na mayroong problema sa pag-iisip ang biktima.
Wala namang nakikitang foul play ang awtoridad sa nasabing pagpapatiwakal.
The post Binata na may sakit sa pag-iisip nagbigti appeared first on Remate.