Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

5 Koreano na sangkot sa online casino dakip

$
0
0

LIMANG  Koreano na sangkot  sa ilegal na operasyon ng online casino  ang inaresto  ng National Bureau of Investigation (NBI)  sa isinagawang raid ng ahensya.

Kabilang sa mga dinakip  ay sina  Naryun Kim, Yunhee Hwang,  Seyoung Chung, Wonseok Yang at Hoi Cherl Yang,   pawang Koreano  at naninirahan sa Ayala Alabang, Muntinlupa City.

Sa report, ang pagkakadakip sa mga suspek ay bunsod ng kahilingan ng Taiwan Economic and Cultural Office (TECO) laban sa mga suspek na nagpapatakbo ng ilegal na on-line casino sa pamamagitan ng telepono.

Sa pamamagitan ng search warrant na inisyu ng Manila Regional Trial court Branch 24, sinalakay  ang operasyon ng casino ng mga suspek sa Ayala Alabang kunsaan ay naaktuhan sina Kim Naryun at Chung-Seyoung na nagpapatakbo ng online casino nang walang permiso sa pamahalaan habang sina Hwang-Yunhee, Yang-Wonseok at Yang-Hoi Cherl  ang call center agents.

Bigo rin ang mga nasabing Koreano na makapagpresenta ng mga dokumento na maaaring maging batayan sa kanilang pagkakakilanlan.

Natukoy ng NBI ang mga suspek matapos na matunton  ang computer technician  na nagkabit ng expanded internet/telephone connections via VOIP sa nabanggit  na lugar.

The post 5 Koreano na sangkot sa online casino dakip appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>