WALA ng buhay nang matagpuan ang isang babae sa loob ng isang hotel sa Sta. Mesa, Maynila, iniulat ngayon.
Inilarawan ang biktima na may edad sa pagitan ng 20-25 anyos, may taas na 4”10 habang ang suspek ay tinatayang 35 anyos, may taas na 5”2 at malaki ang pangangatawan.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang umanoy 35 anyos na lalaki na kasama ng biktima na pumasok sa hotel.
Sa report ni PO3 Julieto Malindog ng MPD-homicide section, dakong 5:20 ng hapon nang nadiskubreng patay ang biktima sa loob Room B21, 2nd floor ng Sta. Mesa Hotel sa 4100 Ramon Magsaysay Blvd., Sta Mesa, Maynila.
Sa pahayag ng room boy na si Keneth Culta, pumasok ang biktima at suspek dakong 1:50 Biyernes ng hapon at nagbayad para sa 24 oras na pamamalagi sa hotel.
Nakatakdang mag-check out sana ang dalawa dakong 1:50 kamakalawa ng hapon subalit hindi sila nagpasabing mag-extend. Gayunman, dakong 3:30 ng hapon nang lumabas ang kasamang lalaki ng biktima at nagpaalam kay Marivic San Gabriel, desk officer, na lalabas lang sandali at naiwan ang kanyang kasama.
Pagsapit ng 4:00 ng hapon, inutusan ni Pablo Pagtalunan si Culta, nakaduty na room boy, na i-check ang kuwarto ng dalawa. Pagdating ni Cultan sa harap ng pintuan ay tanging buhos ng tubig mula sa shower ang kanyang narinig kaya kinatok nito ang pintuan subalit walang sumasagot dahilan upang gamitan ng duplicate key kung saan tumambad sa kanila ang nakahandusay na katawan ng biktima sa loob ng comfort room, nakasuot ng kulay pulang t-shirt, maong pants at may sugat sa ulo at kaliwang mata.
Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa pagpatay.
The post Bebot natagpuang patay sa hotel appeared first on Remate.