Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bading na nagpanggap na pulis, arestado

$
0
0

crime7ARESTADO ang isang 20-anyos na bading nang magpanggap itong pulis at molestiyahin ang binatang tricycle driver kung saan ay puwersahan pa umano nitong pinagamit ng shabu kamakalawa ng madaling araw sa Pasay City.

Kalaboso ang suspek na nakilalang si Danilo Ferrer sa kanyang tirahan sa 421 Solitaria St., makaraang ireklamo ng biktimang si Jheric Andaya, 21, naninirahan sa Meralco Compound sa F.B. Harrison St. makaraang dakpin ng mga tauhan ni Chief Insp. Joey Goforth, hepe ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay police.

Ayon sa biktima, sumakay umano sa kanyang ipinapasadang tricycle ang suspek na nagpakilalang pulis dakong alas-3 ng madaling araw at inatasan siyang ihatid sa Police Community Precinct (PCP) 1 sa CCP Complex.

Bago umano sila dumating sa presinto, nagpadaan muna ang pulis sa Vito Cruz St. at humiram muna sa kanya ng P120 bago inutusan ang isang alyas “Mulong” na bumili ng shabu.

Sa halip na sa PCP-1, sa kanilang bahay nagpahatid ang suspect at dito umano pinuwersa ang biktima na gumamit ng shabu.

Nang lango na sa droga, niyakag umano ng suspect ang biktima sa isang nakaparadang van sa dito na siya hinubaran at pinuwersang makipag-oral sex.

The post Bading na nagpanggap na pulis, arestado appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Pokemon para colorear


Girasoles para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


The business quotes | Inspirational and Motivational Quotes for you


5 Tagalog Relationship Rules


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


EASY COME, EASY GO


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Tropa Quotes


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Sapos para colorear


Smile Quotes


Patama lines and Tagalog Quotes Pinoy Sayings


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>