Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Lalaking salvage victim, natagpuan malapit sa UST

$
0
0

salvageISANG lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan kaninang umaga malapit sa UST sa kanto ng P.Florentino at Lacson Blvd, Sampaloc, Maynila.

May sakal sa leeg at nakabalot sa garbage plastic ang ulo a biktima na inilarawan na nakasuot ng itim na t-shirt, maong shorts at payat ang pangangatawan.

May hawak din  itong karatula na “holdaper ako. . . mga snatcher, susunod na.”

May nakita namang pako sa ulo ng biktima ngunit hindi naman nakabaon.

Inaalam na rin ng pulisya kung may kaugnayan ang biktima sa unang sinalvage noong nakaraang Biyernes na natagpuan sa Tondo, Maynila kung saan kahalintulad   ang paraan ng pagpatay.

Patuloy pa rin ang imbestiagsyon ng pulisya sa insidente.

The post Lalaking salvage victim, natagpuan malapit sa UST appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>