SWAK sa kulungan ang limang lalaki nang maaktuhan nagsasagawa ng pot session ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drug (SAID) pulis sa Roldan St., Brgy. Tangos, Navotas City Lunes ng gabi July 15.
Kinilala ang mga suspek na sina Fernando Imson y Mateo, Jr., 32; Arvin Maseas y Caranglan, 33; Leonardo Basa, y Malaca, 32; Eduardo Sengson y Amare, 51 at si Rinco Rodriguez y Lefaro, 27 pawang binata at taga Brgy. Tangos, Navotas.
Ayon kay P01 Suaib Karim ng SAID, dakong alas 7:15 ng gabi ng masakote sa aktong pagsinghot ng droga sa loob ng bahay ng isang suspek sa nasabing lugar.
Nauna rito, nakatanggap ng reklamo ang tanggapan ni Sr. Supt. Conrado Gongon, hepe ng Navotas pulis, hinggil sa naganap na pot session. Inatasan ni Gongon sina P03 Macapagal, P03 Marinduque P02 Tugade at tatlong pulis para siyasatin ng lugar at inabutan ng mga suspek na nagsasagawa ng pot session kaya agad dinala ang mga ito sa presinto.
Narekober sa mga suspek ang 22 na piraso ng maliit na sachet ng shabu at 6 na pirasong aluminum foil at 2 disposable na lighter.
Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 sa piskalya ng lungsod.
The post 5 naaktuhang nagsa-shabu, arestado appeared first on Remate.