DAHIL sa sobrang kalasingan, inakala ng isang construction worker na ang riles ng tren na kanyang hinigaan ay kanyang kama at unan matapos na ito ay masagasaan ng dumadan na Philippine National Railways (PNR) train sa Makati City kaninang madaling araw (Hulyo 16).
Dead on the spot sanhi ng tinamong kapansanan sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Rolando Diaz, 37-anyos, at residente ng Barangay Pio Del Pilar, Makati City.
Ayon kay Senior Police Officer 1 Rommel Salvador, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong 5 ng madaling araw sa PNR rail tracks sa may kanto ng Arnaiz Avenue at Osmeña Highway.
“One scavenger in the area tried to wake up the drunk man at the sight of the approaching train. But the man wouldn’t move,” pahayag ni Salvador.
Sinabi ni Salvador na hindi namalayan ng operator ng tren na si Norman Bajaro, 26, na nakahiga pala ang biktima sa riles kaya hindi siya nakapagpreno para hindi ito masagasaan.
Tatlong oras ang nakalipas bago nalaman ng train driver na nakasagasa siya nang madiskubre ng isang security guards ng PNR ang bangkay ng biktima.
The post Lasing natulog sa riles ng tren, nalasog appeared first on Remate.