PATAY ang dalagitang nadulas at nahulog sa hagdanan matapos dumaing ng pananakit ng ulo sa Caloocan City, Miyerkules ng hapon, Hulyo 17.
Dead on arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center si Nice Serelo, 15, ng Daang Bakal, 10th Avenue ng lungsod.
Nadulas at gumulong sa hagdan ang biktima sa loob ng kanilang bahay kahapon ng umaga.
Dakong alas-4:15 ng hapon, dumaing ang biktima na masakit ang ulo na naging dahilan upang dalhin sa PDMMMC subalit hindi na umabot ng buhay.
Inaalam na ng mga pulis kung ano ang ikinamatay ng biktima. Hinihinalang nabagok ang ulo ng biktima sa pagbagsak.
The post Dalagita nahulog sa hagdan, patay appeared first on Remate.