NALITSON ng buhay ang dalawang natutulog na magkapatid habang dalawa naman ang sugatan nang tamaan ng kidlat ang kanilang bahay sa Iloos Sur nitong Miyerkules ng gabi (Hulyo 17).
Dead on the spot ang magkapatid na kinilalang sina Rhea Jane Masellones, 8-anyos at Raymund Jay Masellones, 11-anyos.
Nagtamo naman ng second degree burn sa katawan at isinugod sa Tagudin General Hospital ang biktimang si Elejo Palloto Cabarsi, 23-anyos, habang si Evelyn Palloto Cabarsi, 31, ay nalapnos naman ang kanang hita.
Naganap ang insidente dakong 11:30 nitong Miyerkules ng gabi sa mismong bahay ng mga biktima sa Barangay Farola, Tagudin, Ilocos Sur.
Bago ito, natutulog ang mga biktima sa kanilang bahay na gawa sa light materials na nasa tabi ng dalampasigan nang bigla na lang tamaan ng kidlat.
Agad namang natupok ng apoy ang bahay na ikinamatay ng mga biktima.
The post Bahay tinamaan ng kidlat, mag-utol na tulog,todas appeared first on Remate.