Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Panibagong IRA scam nabunyag

$
0
0

NABUNYAG ang isa na namang scam, ito ay ang Internal Revenue Allotment o IRA scam.

Ibinunyag ito ni dating Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antonino matapos sumabog ang ukol sa P10 B pork barrel scam na kinasasangkutan ng ilang senador at kongresista.

Ayon kay Antonino, natuklasan na may IRA scam partikular sa San Leonardo, Nueva Ecija na aabot sa halagang P50 milyon.

Hanggang ngayon ay hindi aniya malinaw kung saan napunta ang pondo at walang mga dokumento na susuporta kung nagamit nga ba sa mga proyekto ang nasabing pondo.

Bukod dito ay may mga proyekto din na pinondohan mula sa pdaf naman ng mga mambabatas katulad sa San Antonio, Nueva Ecija kung saan nasa kabuuang 90 milyong piso ang nalikom na pondo mula sa pork barrel ng mga senador na kasalukuyang inaalam pa kung sino.

Ilan sa mga proyekto na tinukoy ay CARED na may 70m, Ginintuan Alay Magsasaka Foundation 70m at Kaupdanan Mangunguma Foundation Inc. (KPMFI) na may 20m pisong pondo.

Tinukoy pa ni Antonino na may proyekto na pinondohan ng 5 milyong piso mula din sa PDAF ni Sen. Juan Ponce Enrile sa San Leonardo, Nueva Ecija.

Iginiit naman ng anak ni Antonino na si Nueva Ecija Rep. Magnolia Antonino-Nadres na dapat ding alamin ng pamahalaan ang mga LGUs at mga alkalde na sangkot at papanagutin ang mga ito.

Naniniwala si Nardes na bukod sa natuklasang IRA scam sa Nueva Ecija ay posibleng ganito rin ang nangyayari sa ibang munisipalidad at syudad sa bansa.

Hindi aniya sila titigil na ibulgar ang mga ganitong iligal na gawain sa gobyerno hanggat hindi napapanagot ang mga sangkot sa scam.

The post Panibagong IRA scam nabunyag appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129