Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bagong sama ng panahon namataan

$
0
0

MATAPOS makalabas ng bansa ang bagyong “Isang,” isa pang sama ng panahon ang  mahigpit na binabantayan ng PAGASA.

Ayon  kay  Ricky  Fabregas  forecaster  ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration  (Pagasa), namataan ang  low pressure  area (LPA)  sa layong 700  kilometro  ng  Katimugang Luzon.

Sinabi  ni Fabregas  na may  posibilidad na  maging  bagyo ang  namataang sama ng panahon.

Bagamat malayo pa sa Philippine area ang naturang sama  ng panahon ay magdadala  naman ito  ng  kalat-kalat na  pag-ulan sa  ilang  bahagi ng Luzon, Katimugang Luzon  maging  sa Metro Manila.

Nabatid  pa sa  Pagasa  na  nakalabas  ng bansa ang bagyog  Isang  kaninang 1:00 ng  madaling-araw at  tinatahak ang direksyon ng China.

The post Bagong sama ng panahon namataan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>