NAGTAMO ng mga sugat ang driver ng six-wheeler truck nang tumagilid ito sa Kilometer 15, northbound ng North Luzon Expressway (NLEX).
Nagkalat sa kalsada ang tone-toneladang asukal na karga ng trak nang mawalan ng kontrol sa manibela ang drayber na kinilalang si Martney Manaed.
Ligtas ang pahinante ng trak na si Martin Buena.
Base sa salaysay ng may-ari ng kargamentong si Gilbert Ong, idi-deliver sana ng kanyang mga tauhan sa Bocaue ang 7.5 toneladang asukal nang may mag-cut na sasakyan sa kanila kung kaya nawalan ng kontrol ang driver sa manibela ng trak.
The post Trak tumagilid, tone-toneladang asukal nagkalat appeared first on Remate.