Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Parak nagpanggap na taga CHR, tiklo sa burol ni Cadavero

$
0
0

NAKULWEYUHAN ng awtoridad ang isang pulis na nagpanggap na kawani ng Comission on Human Rights (CHR) sa mismong burol  na napatay na Ozamis robbery gang leader na si Ricky Cadavero sa isang funeral home sa Alabang, Muntilupa nitong Biyernes ng gabi.

Bukod sa dinampot, kinumpiska rin ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang baril na isang 9 millimeter pistol ni P03 Richard Ecleo Ebrada, na miyembro ng Philippine National Police (PNP) counter intelligence group.

Ayon kay Luzviminda, nanay ni Cadavero, hinahanap siya ni Ebrada na nagpakikilalang taga CHR para sa isang kapanayam.

Pero ang ipinaharap ni Luzviminda ay ang kanyang anak na si Rosalinda na nagduda naman agad dahil ilang oras pa lamang ang nakararaan ay may nauna nang dumating sa burol na taga CHR at NBI.

“Sabi niya, ‘taga-human rights ako.’ Nandito sila sa loob, nandito rin NBI, sabi ko. Sige, kung taga-human rights ka, ipakita mo ID mo,” pahayag ni Rosalinda.

Sa puntong ito, kinompronta na ng NBI at CHR si Ebrada nang wala itong maipakitang dokumento ng magpapatunay na talagang siya ay kawani ng CHR.

Pagtatanggol naman nito na inutusan siya ng isang  General Abelardo Villacorta para kunin  ang numero ng cellphone ng kapatid ni Cadavero.

Ayon kay Special Investigator 4 Rizaldy Rivera of the NBI’s death investigation division, “They were just after the number ni Rosalinda allegedly to ask from her kung sino ang members ng PNP na involved kay Cadavero.”

“We do not want that private individual or institutions try to sabotage our investigations. We do not want them na takutin ang complainants or relatives of victims… There’s something there, hindi tama na kunin mo ang contact number without properly identifying yourself,” pahayag naman ni Chief Ferdinand Lavin, na naatasang  spokesperson ng NBI’s Task Force Cadavero.

Ayon sa pamilya Cadavero, nangangamba na sila sa kanilang buhay dahil pangalawa na itong nangyari na may tangkang kumausap sa kanila na pulis.

Nakaditine ngayon si Ebrada sa NBI headquarters sa Maynila para interogahin at nahaharap pa ito sa kasong usurpation of authority.

Samantala, dinala na ang labi ni Cadavero sa kanyang bayan sa General Santos City kaninang umaga (Hulyo 20).

The post Parak nagpanggap na taga CHR, tiklo sa burol ni Cadavero appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129