PINATAY ang isang taxi driver ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng kanyang silid sa Magsaysay, Loakan Proper, Baguio City, alas-2:00 kaninang madaling araw.
Nakilala ang biktima na si Jessie “Boyet” Cardinio, 41, taxi driver, at mag-iisang buwan pa lamang na nangungupahan sa isang bahay sa nasabing lugar.
Pasado alas-6:00 ng umaga nang ipaalam sa pulisya ng isang nakasaksi ang pagkakapaslang kay Cardinio.
Ayon sa salaysay ng nakasaksi na hindi pinangalanan, natakot ito nang makita niya ang pangyayari kaya nagsumbong lang ito sa mga awtoridad nang magkaroon ito ng lakas ng loob.
Nagtamo ang biktima ng tatlong bala ng baril sa kanyang likod, pero umabot sa apat na basyo ng bala ang narekober ng SOCO sa loob ng kanyang silid.
Tumanggi naman ang pulisya na magbigay ng karagdagang detalye sa insidente dahil patuloy pa ang kanilang imbestigasyon.
The post Taxi driver binoga, todas appeared first on Remate.