BAHAGYANG nakaramdam ng takot ang ilang residente sa bahagi ng Davao Oriental nang maramdaman ang pagyanig kanina ng magnitude 4.6 na lindol.
Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ito kaninang alas-4:41 ng madaling araw.
Natukoy ang epicenter ng pagyanig sa layong 79 kilometro sa timog silangan ng Davao Oriental.
May lalim itong dalawang kilometro at higit na mababaw kung ikukumpara sa mga karaniwang lindol.
Nabatid na tumama ang sentro ng pagyanig sa dagat kaya hindi gaanong nakaapekto sa mga mamamayan.
Nilinaw naman ng PHILVOLCS na hindi ito mag dudulot ng tsunami o anumang pagtaas ng alon sa dagat.
Wala naman iniulat na nasaktan o nawasak na ari-arian dulot ng lindol.
The post Davao Oriental inuga ng 4.6 na lindol appeared first on Remate.