KINASUHAN ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang pulis na nagpanggap na miyembro ng Commission on Human Rights (CHR) at nagtungo sa burol ng napaslang na Ozamis gang leader na si Ricky Cadavero upang makakuha umano ng impormasyon.
Usurpation of Authority ang isinampa laban kay PO3 Richard Ecleo Ebrada, miyembro ng Philippine National Police (PNP) counter-intelligence group, matapos itong maaresto ng mga ahente ng NBI nitong nakaraang Biyernes ng gabi.
Si Ebrada ay lumapit umano sa burol ni Cadavero at kinausap ang ina ng huli upang mainterbyu subalit tumanggi ang ginang at sinabi na ang anak niya na si Rosalinda na lamang ang kausapin.
Gayunman, nagduda umano si Rosalinda na hindi taga-CHR si Ebrada dahil wala itong maipakita na identification card, maliban pa sa naroon din sa lugar ang mga tauhan ng NBI at CHR.
Kalaunan ay inamin din ng suspek na isa siyang pulis at napag-utusan lamang ng kanyang hepe Gen. Abelardo Villacorta na kunin ang contact number ng kapatid ni Cadavero.
Kinumpirma naman direct supervisor ni Embrada sa NBI na totoong nagpadala sila ng tao sa burol ni Cadavero upang kunin lamang ang numero ng telepono ng pamilya ng lider ng Ozamis Robbery Holdup Group.
Giit pa ng NBI, dapat ay nakipag coordinate na lamang ang PNP at nagpakilala na miyembro ng intelligence group sa halip na magpanggap.
si Ebrada ay kasalukuyang nakadetine sa NBI integrated jail.
The post Pulis na nagpakilalang taga CHR sa burol ni Cadavero, kinasuhan na appeared first on Remate.