PINAG-IINGAT ngayon ng pulisya ang publiko dahil ang apat na binatilyong nangholdap sa isang pampasaherong bus nitong Sabado ng umaga ay pawang armado ng dekalibreng mga baril na handang pumatay kung kinakailangan.
Ito ang naging babala ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) matapos na dalawa sa mga pasaherong hindi nakuha ang mga pangalan ay sinaktan ng mga suspect nang tumangging ibigay ang kanilang mamahaling cellphones.
Dahil dito, inaasahang palalakasin ng QCPD ang kanilang pagbabantay sa mga pampublikong sasakyan upang mahuli o kung hindi naman ay mapigil ang operasyon ng nasabing mga bagets na holdaper.
Mas mabuti na anilang magkaroon na muna ng prevention sa krimen kaysa gamutin ang sakit para makaiwas sa kapahamakan ang publiko.
Maalalang, sumakay ang mga suspect na inilarawan ng 16-18 anyos sa Metrolink Bus (TVT-578) na minamenho ng isang nagngangalang Carlos Assi sa Guadalupe, Makati.
Pagsapit sa may White Plains, nagdeklara ang mga suspect na pawang armado ng 45 kalibreng baril ng holdap at sinimot ang lahat ng pera at mamahaling gamit ng mga pasahero.
The post Babala sa publiko: 4 na tirador ng bus, armado ng dekalibreng baril appeared first on Remate.