PINASADAHAN ng kilabot na armadong motorcycle in-tandem ang isang police asset sa Cebu nitong Sabado ng gabi (Hulyo 20).
Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Niel Gabutin, 38-anyos, isang police asset sa iligal na droga.
Blangko pa ang pulisya kung sino ang dalawang salarin na nagkasa ng pagpatay sa biktima pero may hinala na may kaugnayan ito sa trabaho ng biktima.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 9:45 p.m. habang ang biktima ay naglalakad sa Lucio Drive, Barangay Calamba, Cebu.
Ayon kay SPO4 Alex Dacua ng homicide division, nakarinig na lamang ng putok ang isang nagngangalang Evon Feliciano, residente ng nasabing barangay at nakita ang dalawang kalalakihan na lulan ng isang motorsiklo at nakasuot ng helmets, ang nagmamadaling tumatakas.
Walong basyo ng .22 caliber pistol, 4 na empty shells ng .45 caliber pistol at tatlong bangingkong na bala ang narekober sa lugar.
Sinisikap naman ng pulisya na mas laliman pa ang imbestigasyon para makilala ang mga suspect.
The post Bata ng parak todas sa riding in tandem appeared first on Remate.