WALONG taong pagkabilanggo ang hatol na parusa sa isang dating barangay chairman dahil sa kasong bigamy sa lungsod ng Talisay, Negros Occidental.
Iniutos ni Bago Regional Trial Court Branch 62 Judge Frances Guanzon ang pagbilanggo kay Alfredo Pomarin Nietes, dating punong barangay ng Barangay Zone 10, lungsod ng Talisay mula tatlong taon, apat na buwan at 15 araw hanggang walong taon, 21 araw at may dagdag pa na accessory penalty.
Iniutos din ng huwes ang agarang pagdala kay Nietes sa national penitentiary sa Muntinlupa upang masilbihan ang kaniyang sentensiya.
Isang nagngangalang Julio Diaz, 70-anyos, ang nagsampa ng reklamo laban kay Nietes na kapitbahay nito dahil sa pagpapakasal sa isang babae sa lungsod ng Bacolod noong Hunyo 9, 1984 at isa pang babae noong Disyembre 23, 2005 sa bayan ng Valladolid, ayon sa certification mula sa National Statistics Office.
Subalit sinabi ni Nietes na ang kasal nito noong 1984 ay masasabing null and void dahil sa kakulangan sa essential requisites.
Pinasinungalingan din nito na kaniya ang pirma na makikita sa marriage contract.
The post Ex-Brgy Capt. kulong sa 2 kasal appeared first on Remate.