NASAKOTE ang mag-asawang hinihinalang drug pusher sa isinagawang buy-bust operation ng Zamboanga City Public Safety Company (ZCPSC) sa pangunguna ni S/Insp. Joewie Bantoto Lucas sa Barangay Luyahan, Zamboanga City.
Kinilala ang nadakip na mag-asawang na sina Albilnar Jamiri Majindi, 30-anyos at ang asawa nitong si Shara Abubakar Y Sapayani, 22, tubong Jolo, Sulu at pansamantalang nakatira sa nasabing lugar.
Inaresto ang mag-asawa nang iabot nila sa isang pulis na nagpanggap na bibili ng isang pakete ng hinihinalang shabu kapalit ng halagang P300.
Nakuha rin ng mga pulis sa mga suspek ang iba pang mga pakete ng hinihinalang shabu, isang caliber .38 revolver at mga bala.
Nakakulong na ang mag-asawa ngayon sa selda ng pulisya.
The post Mag-asawa timbog sa pagtutulak ng droga appeared first on Remate.