Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Sabayang demolisyon sa Q.C at Muntinlupa, kinondena

$
0
0

KINONDENA ng Alyansa Kontra Demolisyon (AKD) ang dalawang magkasabay na demolisyon ng mga tahanan sa Quezon City at Muntinlupa.

Tinawag ito ng grupo na bahagi ng tumitinding giyera laban sa maralita’ ng administrasyong Aquino at nagbabala sa banta ng mga sunod-sunod na mga demolisyon sa darating na mga araw.

Di bababa sa 50 na pamilya ang nawalan ng tahanan sa Carmina Compound, Muntinlupa.

Samantala, anim na pamilya ang naapektuhan ng demolisyon sa Phase 8, North Fairview, Quezon City. Pito ang inaresto sa nasabing demolisyon. Inulat ng mga lokal na homeowners’ association na walang inalok na relokasyon at piyansa para sa mga nawalan ng tahanan.

“Karumal-dumal ang ginawa sa mga maralita ng Carmina at North Fairview ngayong araw na ito. Higit pa ito sa human rights violation kasi di na sila tinatratong mga tao” ani Carlito Badion, tagapagsalita ng AKD.

“Mahilig ikumpara ni Pangulong Noynoy Aquino sa mga nakaraang presidente para magmukha siyang mabuti, pero kung ikukumpara lang, si Aquino ang may pinaka-masahol na trato sa aming mga maralita. Para kaming mga dayuhan na gine-gera para mapalayas kahit na mga Pilipino rin kami” dagdag ng lider-maralita.

Ayon kay Badion, naghahanda na silang magsampa ng mga kaso laban mismo kay Aquino, kasabay ng patuloy na pagtatayo ng mga ‘barikadang bayan’, para pigilan ang mga sumusunod pang demolisyon.

Samantala, nagbabala si Badion sa pagpapatindi ng ‘giyera laban sa maralita’ sa mga sumusunod na araw pagkatapos i-anunsyo ng Quezon City LGU na maaari ng gibain ano mang araw ang mga komunidad ng maralita sa kahabaan ng Agham Road, Payatas, West Kamias, at Old Balara.

“Muli naming iginigiit: hangga’t hindi tinutugunan ng gobyerno ang usapin ng kabuhayan, wala itong karapatang tanggalan ng tirahan ang maralita. Katumbas ito ng kamatayan para sa mga Pilipino na naghihikahos na sa kahirapan dahil sa mga nagtataasang presyo ng bilihin sa ilalim ng administrasyong Aquino,” ani Badion.

The post Sabayang demolisyon sa Q.C at Muntinlupa, kinondena appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>