Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

LPA namataan sa GenSan

$
0
0

INANUNSYO ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nakakaapekto sa malaking bahagi ng Mindanao ang low pressure area (LPA) na namataan sa layong 600 kilometro sa silangan ng General Santos City.

Ayon sa ulat ni Joey Figuracion ng PAGASA, nakapaloob ito sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at may malaking posibilidad na lumakas sa mga susunod na araw.

Dahil dito, inaabisuhan ang mga nasa mabababang lugar sa Visayas at Mindanao na mag-ingat sa pagbuhos ng ulan at posibleng pagbaha.

Ang Northern at Central Luzon naman ay magkakaroon ng paminsan-minsang pag-ulan dahil sa epekto ng habagat.

Ang Metro Manila naman ay may bahagyang kaulapan subalit asahan pa rin ang mga pagbuhos ng ulan mamayang hapon at gabi.

The post LPA namataan sa GenSan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>