NAGING masakit sa magulang ng isang tatlong gulang na batang babae nang makitang patay ang paslit sa irrigation canal na dating pinamamahalaan ng National Irrigation Administration (NIA) sa Brgy. Mandangoa, Balingasag, Misamis Oriental.
Kinilala ang biktima na si Xyna Dacutan, residente sa nasabing lugar.
Ayon kay Mandangoa Barangay Kapitan Anabel Pamisa, nagpatulong ang ama sa kanila upang mahanap ang biglaang pagkawala nito.
Sa pagsagawa nila ng inspeksyon ay nadatnan nila ang bata na wala nang hininga at lumulutang sa nasabing canal.
Una nang sinabi ng ama na hindi nito namalayan na lumabas pala ang bata kasama ang nakakatanda nitong kapatid na maliligo sa canal.
The post Paslit nalunod sa irigasyon, patay appeared first on Remate.