NAKABALIK na sa bansa ang panibagong batch ng Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa bansang Syria at Saudi Arabia kagabi.
Labis ang pasasalamat ng OFW nang makalapag sa bansa mula sa Syria dahil sa repatriation efforts ng ating pamahalaan.
Lulan ng Etihad Airways ang nasa 30 OFWs na pawang mga domestic helpers sa Syria na patuloy ang karahasan sa lugar.
May ilan daw sa kanila ang nahirapang makauwi ng bansa dahil sa matagal na binayaran ng kanilang amo.
Kaugnay nito, bumaba na rin umano ang value ng kanilang pera dahil sa kaguluhan.
Galing ang sinakyang eroplano ng naturang mga OFWs sa Abu Dhabi bago nakarating Metro Manila kagabi.
Samantala, panibagong batch din ng OFWs mula sa Saudi Arabia ang balik bansa kagabi.
Mismong ang mga opsiyal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang sumalubong sa 20 mga OFWs na biktima ng pagmamaltrato.
Sa ngayon, umaabot na sa halos 1,300 mga undocumented Pinoy workers sa Saudi ang napauwi ng bansa sa tulong na rin ng Department of Foreign Affairs.
The post Panibagong batch ng OFWs mula Syria at Saudi, balik Pinas appeared first on Remate.