MAY pananagutan sa batas ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nagbunyag na miyembro ng National Bureau of Investigation (NBI) na umanoy protector ni Jackson Dy na isang Chinese drug trafficker.
Ito ang tiniyak ni Justice Secretary Leila de Lima.
Ayon kay de Lima, sakaling pangalanan ng mga CIDG ang protector ay agad nitong aaksyunan.
Una an ring hinamon ni NBI director Nonnatus Rojas ang CIDG na maglabas ng ebidensiya na magpapatunay sa kanilang akusasyon.
Hindi, aniya, patas ang nasabing paratang maliban na lamang kung masusuportahan iyon ng ebidensya.
Inihayag din ni de Lima na kung hindi kayang pangalanan ng CIDG ang sinasabing protector ay mas mabuti manahimik na lang dahil karamihan umano sa sangkot ay pawang mga high profile cases.
The post Bangayan ng NBI, CIDG, patuloy appeared first on Remate.